Saturday, August 14, 2010

Underground Electric Post

May ipinapasa si PNoy na gawing underground na lang ang mga poste ng kuryente. Ito ay dahil sa biglaang malawakang brown-out noong bagyong Basyang. Dahil sa lakas ng hangin, maraming poste at puno ang nabuwag at naging dahilan upang mawalan ng supply ng kuryente ang kalakhang Metro Manila at mga karatig bayan. Sa ibang bansa, wala tayong makikitang mga poste at kawad ng kuryenteng nakalawit sa mga kalsada dahil nasa ilalim pala ito ng lupa. Sana ay maipasa ito dahil maraming benepisyo ang kalakip nito dahil kahit may bagyo hindi na tayo mag-aalala na maya maya ay mawawalan na ng kuryente at maiiwasan din ang panganib ng mga live wires.

No comments:

Post a Comment